Nakibahagi ang Pamahalaang Lokal ng Iba sa Second Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill bilang bahagi ng patuloy na paghahanda at pagpapalakas ng kakayahan sa pagtugon sa mga kalamidad. Layon nitong tiyakin ang kaligtasan ng bawat isa at pagiging handa sa panahon ng lindol.



