π—₯𝗒𝗑𝗗𝗔 π—­π—”π— π—•π—”π—Ÿπ—˜π—¦ | MAS PINALAKING EDUCATIONAL ASSISTANCE, IPATUTUPAD NG LGU IBA

IBA, ZAMBALES β€” Magandang balita para sa mga mag-aaral at magulang sa bayan ng Iba matapos ipahayag ni Mayor Irenea Maniquiz-Binan ang dagdag na pondo sa Educational Assistance Program ng lokal na pamahalaan. Sa kaniyang State of the Municipal Address (SOMA) 2026 na ginanap ngayong Enero 14, 2026 sa Iba Municipal Covered Court, inanunsyo ng alkalde ang pagtaas ng tulong-pinansyal para sa mga mag-aaral bilang dagdag-alalay sa gastusin sa edukasyon. Ayon kay Mayor Binan, itataas na sa β‚±2,000 kada taon ang educational assistance para sa mga mag-aaral sa Junior High School mula sa dating β‚±1,500. Samantala, ang tulong para sa Senior High School at College students ay itinaas naman mula β‚±4,000 tungo sa β‚±5,000 kada taon, bilang tugon sa mas mabigat na gastusin sa mas mataas na antas ng pag-aaral. Ipinahayag ng alkalde na bilang isang magulang, batid niya ang mga hamon na kinahaharap ng mga pamilya pagdating sa gastusin sa edukasyon tulad ng internet load, school requirements, at iba pang pangangailangan ng mga estudyante. Aniya, layunin ng programa na higit pang patibayin ang suporta ng pamahalaang bayan sa pangarap at kinabukasan ng kabataang Ibanian. Ang pinalakas na Educational Assistance Program ay inaasahang magbibigay-ginhawa hindi lamang sa mga mag-aaral kundi maging sa mga magulang na patuloy na nagsusumikap para sa edukasyon ng kanilang mga anak. #RondaZambales #BalitangZambalesNgayon