Isinagawa ang Oath of Commitment ng mga bagong halal na opisyal ng Samahan at Ugnayang Mangingisda ng Palanginan, Incorporated (SUMAPI) na pinangunahan ni Mayor Irenea Maniquiz-Binan.
Ang panunumpang ito ay sumasalamin sa kanilang matibay na pangako na maglingkod nang tapat, may malasakit, at may pananagutan para sa kapakanan ng mga mangingisda at ng buong komunidad. Patuloy ang suporta ng Pamahalaang Lokal ng Iba sa pagpapalakas ng mga samahan na nagsusulong ng kaunlaran at pagkakaisa sa sektor ng pangingisda.
January 26, 2026
Iba Municipal Hall