Sa pagpasok ng panibagong buwan, ating balikan ang mahahalagang sandali at mensahe mula sa State of the Municipality Address (SOMA) 2026 ng ating Mayor Irene Maniquiz-Binan—isang ulat ng mga nagawa, hamon, at malinaw na direksyon para sa patuloy na pag-unlad ng bayan ng Iba.
Malinaw na Plano para sa taong 2026
Bilang buod ng pagpapatuloy ng Serbisyong May Malasakit na inilatag sa SOMA, itinakda ni Mayor Irenea Maniquiz-Binan ang malinaw na mga plano para sa taong 2026—pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan, pagpapaangat ng kalidad ng edukasyon, at mas pinaigting na paghubog at suporta sa kabataan.



