Menu

PAGBATI SA MGA NAGWAGI NA BARANGAY NG BAYAN NG IBA!

Lubos nating ipinagmamalaki ang mga barangay mula sa Bayan ng Iba na kinilala bilang 2025 BEST Barangay Regional Awardees ng Department of the Interior and Local Government Region III sa ilalim ng BEST Program (Building Excellence in Service and Transparency):
 
• Amungan
• Bangantalinga
• Dirita-Baloguen
• Lipay-Dingin-Panibuatan
• Santa Barbara
• Santo Rosario
• Zone 4 Poblacion
• Zone 5 Poblacion
 
Ang pagkilalang ito ay patunay ng inyong mahusay na pamamahala, transparency, taos-pusong paglilingkod, at malasakit sa ating bayan.
Ang Pamahalaang Bayan ng Iba, sa pamumuno ni Mayor Irene Maniquiz-Binan, ay taos-pusong bumabati at nagpupugay sa inyong dedikasyon at patuloy na pagsusumikap na maihatid ang dekalidad na serbisyo publiko para sa bawat Ibanians.
Muli, congratulations sa ating mga BEST Barangay Awardees!
2025 BEST Barangay Awardees