1st Batch Junior High School Educational Assistance 2026 Payout

1st Batch Junior High School Educational Assistance 2026 Payout

Patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Lokal ng Iba ang suporta sa edukasyon sa pamamagitan ng Educational Assistance Program, kung saan nasa 1,400 Junior High School students ang kabilang sa unang batch ng mga benepisyaryong tumanggap ng ₱2,000 bawat isa bilang tulong sa kanilang paghahanda para sa School Year 2026-2027.