Pinangunahan ni Mayor Irenea Maniquiz-Binan, sa pangangasiwa ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Unit (MDRRMU), ang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) kaugnay ng inaasahang epekto ng Super El Niño sa bansa.
COURTESY CALL | PASMES- YES-Organization
Nagsumite sina Karen C. Clave, YES-O Adviser, at Iris Hyacinth F. Bundang, YES-O President ng Paulo Abastillas Sr. Memorial Elementary School (PASMES), ng panukalang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng paaralan at ng Pamahalaang Lokal ng Iba para sa kanilang planong pakikilahok sa TaMBayAn Program.



