First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED)
Inaanyayahan ang lahat ng tanggapan, paaralan, pribadong sektor at mga mamamayan na makiisa sa isasagawang First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) sa March 12, 2026, 3:30 PM. Sabay-sabay tayong mag-duck, cover and hold!
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaan na mapalakas ang kahandaan ng komunidad sa mga sakunang dulot ng lindol.
Hinihikayat ang lahat na aktibong makilahok at sundin ang mga panuntunan sa oras ng drill upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng lahat.